Posts

Showing posts from 2018

Exploring Babuyan Islands

Image
Bakit nga ba tayong mga Pilipino, mahilig sa mga bagay na alam nating delikado at maaaring maglagay sa atin sa kapahamakan? Siguro ay marahil nais natin na makaranas ng “ adventure ” o “ thrill ” na matatawag sa Ingles.  Sa bansang Pilipinas, hindi na bago ang mga lugar na talaga namang nakakabighani at maganda sa paningin. Isa na lamang dito sa napakaraming tanawin ang Babuyan Island na matatagpuan sa pinaka dulo ng Luzon, partikular sa Aparri, Cagayan. Ang pangalan ng mga islang ito ay hango sa salitang Ilocano na Mabuybuya na ang ibig sabihin ay nakikita ng klaro . Kung titignan mo ito mula sa bansang Taiwan, ang mga isla ay kitang kita at nadedepina ang lawak at ganda nito. Ang lugar na ito ay kilala rin sa kanilang mga malalaking balyena o humpback whales na maihahalintulad sa laki ng 10 wheeler truck . Higit na makikita ang kariktan ng destinasyon na ito dahil mayroon silang magagandang mga isla at mga cove na pwedeng gawing kampo kapag nagbabakasyon. Isa rin sa pinagm...

Siargao: Surfer's Paradise

Image
Usok ng mga rumaragasang mga sasakyan, nag-iinitang mga ulo ng mga tsuper ng dyip, ingay na nanggagaling sa mga tsismosa mong kapit-bahay, at tambak na trabahong ‘di mawari kung kailan matatapos – isang perpektong larawan ng siyudad ng Maynila. Hindi ka pa ba nagsasawa sa polusyong araw-araw mong nalalanghap sa tuwing papasok ka sa eskwela o trabaho? Hindi ka pa ba napapagod sa kakakayod sa trabaho? Hindi pa ba natutuliro ang iyong utak sa kakaresolba ng mga problemang pinagdadaanan mo? Kaibigan, halika’t kami’y samahan sa aming paglalakbay. Ipahinga ang iyong sarili ng sandali at hayaan mong ihatid ka ng iyong imahinasyon sa paraisong kahit sino ma’y nais maparoon . Siargao, ito ay isang islang binubuo ng apatnapu’t walo pang mga maliliit na isla na nahahati sa siyam na munisipalidad – Burgos, Dapa, Del Carmen, General Luna, Pilar, San Benito, San Isidro, Sta. Monica, at Socorro – na matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Kilala ang Siargao bilang Surfer’s Paradise dahil sa isa ...