Exploring Babuyan Islands

Bakit nga ba tayong mga Pilipino, mahilig sa mga bagay na alam nating delikado at maaaring maglagay sa atin sa kapahamakan? Siguro ay marahil nais natin na makaranas ng “adventure” o “thrill” na matatawag sa Ingles.


 Sa bansang Pilipinas, hindi na bago ang mga lugar na talaga namang nakakabighani at maganda sa paningin. Isa na lamang dito sa napakaraming tanawin ang Babuyan Island na matatagpuan sa pinaka dulo ng Luzon, partikular sa Aparri, Cagayan. Ang pangalan ng mga islang ito ay hango sa salitang Ilocano na Mabuybuya na ang ibig sabihin ay nakikita ng klaro. Kung titignan mo ito mula sa bansang Taiwan, ang mga isla ay kitang kita at nadedepina ang lawak at ganda nito. Ang lugar na ito ay kilala rin sa kanilang mga malalaking balyena o humpback whales na maihahalintulad sa laki ng 10 wheeler truck. Higit na makikita ang kariktan ng destinasyon na ito dahil mayroon silang magagandang mga isla at mga cove na pwedeng gawing kampo kapag nagbabakasyon. Isa rin sa pinagmamalaki ng lugar na ito ay ang kanilang Nagudungan hills na kapag inakyat ay masasaksihan ang napakagandang tanawin ng lugar. Ang mga isla ay nagbibigay ng malalakas na alon, mga pinong buhangin at mala transparent o clear na kulay ng tubig. 



Ang babuyan group of islands ay mayroong mga isla katulad ng Babuyan Claro, Calayan, Camiguin, Dalupiri Island, Didicas Island at Fuga Island. Bawat isla ay may kanya kanyang katangian na maipagmamalaki sa kung kanino man.

Masasabi totoo ang islogan o tagline na sinasabi ng mga Pilipino na “It’s more fun in the Philippines”, hindi lang dahil sa magagandang tanawin na natural na gawa ng kalikasan, bagkus ay ang mga tao rin dito ay sadyang napakasaya kasama at mararamdaman ng isang dayo na siya ay taos pusong sinasalubong kahit na siya’y hindi Pilipino.

Hindi lang iyon, ang mga pagkain rin sa bansang Pilipinas ay napaka lasa at napakasarap. May mga hindi pamilyar na sangkap para sa isang indibidwal na tao ngunit hindi mo iyon mapapansin dahil sa kanyang masarap na pagkalasa.



Ano pa ang hinihintay n’yo? Come visit the Philippines! Magagandang tanawin, mga likas na yaman, mga Pilipino na may pakikisama sa mga panauhin at mga pagkain na tiyak ay magugustuhan ng isang indibidwal, may hahanapin ka pa ba? Andito na lahat!


Kapuso Mo, Jessica Soho: Exploring Babuyan Islands






Comments

Popular posts from this blog

Siargao: Surfer's Paradise