Siargao: Surfer's Paradise
Usok ng mga rumaragasang mga sasakyan, nag-iinitang mga ulo ng mga
tsuper ng dyip, ingay na nanggagaling sa mga tsismosa mong kapit-bahay, at
tambak na trabahong ‘di mawari kung kailan matatapos – isang perpektong larawan
ng siyudad ng Maynila. Hindi ka pa ba nagsasawa sa polusyong araw-araw mong
nalalanghap sa tuwing papasok ka sa eskwela o trabaho? Hindi ka pa ba napapagod
sa kakakayod sa trabaho? Hindi pa ba natutuliro ang iyong utak sa kakaresolba
ng mga problemang pinagdadaanan mo? Kaibigan, halika’t kami’y samahan sa aming
paglalakbay. Ipahinga ang iyong sarili ng sandali at hayaan mong ihatid ka ng
iyong imahinasyon sa paraisong kahit sino ma’y nais maparoon.
Siargao, ito ay isang islang binubuo ng apatnapu’t walo pang mga maliliit na isla na nahahati sa siyam na munisipalidad – Burgos, Dapa, Del Carmen, General Luna, Pilar, San Benito, San Isidro, Sta. Monica, at Socorro – na matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Kilala ang Siargao bilang Surfer’s Paradise dahil sa isa ito mga perpektong lugar upang magsurfing dahil na rin sa mga naglalakihang alon nito – ang Cloud 9 ay isa sa mga surfing waves na ipinagmamalaki ng Siargao – lalong-lalo na tuwing mayroong southwest monsoon o “habagat” tuwing buwan ng Agosto hanggang Nobyembre.
Hindi lamang kilala ang Siargao sa pagiging Surfer’s Paradise at Surfing Capital sa Pilipinas dahil sagana rin ang nasabing lugar sa iba’t ibang mga tourist’s spots na dinarayo pa ng ng mga turista. Bukod sa pags-surfing ay maaari ka ring magisland hopping, – dahil sa maraming islang sakop ang Siargao na sadyang nakakatinding balahibo – pumunta sa mga rock pools at cave pools na ipinagmamalaki rin ng probinsya, pumunta sa mga sanktwaryo ng mga jelly fish, makasakay sa mga “habal-habal” – ito ay mga motor na madalas gamitin sa mga pobinsya upang ihatid ang mga turista sa kanilang paroroonan – at marami pang iba.
Upang marating ang Siargao mula Maynila ay kailangan nating bumiyahe
pahimpapawid. Connecting flight o hindi ka direktang makakarating sa paliparan
ng probinsya dahil noon ay hindi pa ito matunog sa publiko, ngunit sa paglipas
ng panahon ay unti-unti ng nakilala ang nasabing lugar. Kamakailan lamang ay
napagdesisyonang maglagay ng mga direktang biyahe papuntang Siargao dahil na
rin sa paglaki ng bilang ng mga turistang pumupunta’t dumadayo pa upang
masaksihan ang mga ipinagmamalaki ng isla.
Kung nais mo lamang na magsaya lalong-lalo na ngayong bakasyon ay hindi
mo na kailangan gumastos ng malaking halaga upang pumunta pa sa mga
naglalayuang mga bansa at matagtag sa haba ng biyahe dahil ang Pilipinas ay may
hinanda na sa’tin na siguradong pasok sa panlasa ng bawat isa.
Nakapag-isip-isip ka na ba? Handa ka pa rin bang langhapin ang polusyong hatid ng Maynila? Ibubuhos mo pa rin ba ang oras mo sa kakatrabaho? At ilulunod mo pa rin ba ang utak mo sa mga isiping hindi na naubos sa iyong isipan? Tumatakbo ang oras, saglit lamang ang panahon kaya’t magdesisyon ka na ngayon. Ang salapi ay napapalitan ngunit ang mga karanasan ay hindi na mauulit.
Life is too short to spend it with stupid things; enjoy life and live your life to the fullest for you’ll only live once.
Comments
Post a Comment